22

Dec 19, 2020 @ 20:45
By

Mga hotel kapit-bisig sa pandemya

Pagtutulungan ang naging susi ng hotel sector sa Pilipinas upang manatiling matatag sa tinawag nilang “most challenging year” dahil sa coronavirus pandemic.

Sa halip na panghinaan ng loob, pinili ng hotel industry na sumabay sa agos at humanap ng paraan upang manatiling matatag sa harap ng pandaigdigang krisis sa kalusugan.

Para sa Hotel Sales and Marketing Association (HSMA), nailabas ng krisis ang “best in them” at pinilit ang sektor na doblehin ang pagsisikap nito upang manatiling “produktibo” at “proactive”.

“This is a banner year for HSMA. In spite of the troubles that we went through, we were together for example looking for business for each other,” pahayag ni HSMA president Christine Ann Ibarreta sa ulat ng PNA.

“In terms of bookings, nagpapasahan kami,” dagdag niya.

Karamihan aniya ng mga hotel ngayong taon ay umaasa sa mga repatriated OFW at balikbayan na kailangang sumailalim sa quarantine sa mga itinalagang pasilidad gaya ng mga hotel.

Sinabi ni HSMA spokesperson Pearl Maclang, na ang pagkakaisa ng HSMA, Tourism Promotions Board, Department of Tourism at iba pang stakeholder ay nakatulong na maibsan ang negatibong epekto ng krisis at naging daan sa sektor na “pasiglahin ang merkado” at maghanda para sa darating sa 2021.

“All the initiative that the HSMA did for this year are mainly to jumpstart the recovery plans for 2021 because this year, there’s nothing much we can do, it’s beyond our control,” lahad ni Maclang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?