71

Mar 12, 2020 @ 12:51
By

Mga hoarder ipapakulong ng Palasyo

Binalaan ng Malacañang ang mga negosyanteng mapapatunayang sangkot sa hoarding para makapagtaas sa presyo ng kanilang paninda sa harap ng mainit na usapin sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipaaaresto at papatawan ng parusa ang mga mapapatunayang nagho-hoard ng kanilang mga paninda para lamang makapagsamantala sa harap ng pag-aalala ng publiko sa COVID-19.

” The Office of the President gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order,” ani Panelo.

Batay sa natanggap na report ng Palasyo, nagkakaubusan ang ilang produkto sa mga supermarket gaya ng alcohol at hand sanitizer, habang mahirap pa ring makabili ng face mask sa mga medical store.

Iginiit ni Panelo na papatawan ng angkop na parusa ang mga nagsasamantala sa kinakaharap na krisis ng bansang may kinalaman sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

“Those who unscrupulously take advantage of the health crisis will also be arrested and dealt with in accordance with the law,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?