59
views
abante senate
By

Mga hirit ni Faeldon, wala sa katuwiran – Gordon

Sharing is caring!

Isiniwalat ni Senador Richard Gordon na maraming beses na hiniling ni dating Bureau of Customs (BOC) commissioner Nicanor Faeldon na makalabas nitong Kapaskuhan mula sa detensyon sa Senado.

Sa kabila ito ng pakikipagmatigasan sa Senado na tinanggihan nitong harapin sa mga pagdinig-publiko ukol sa katiwalian sa BOC at ukol sa nakalusot sa BOC na 604 kilogram ng shabu nung nakaraang taon.

Nakakulong si Faeldon sa Senado mula noong Setyembre 11 dahil ayaw nitong humarap sa Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, sumulat sa kaniya noong Disyembre si Faeldon para makadalo sa misa sa labas ng Senado at upang makapagpatingin sa kaniyang cardiologist dahil gustong dumalo sa traslacion ng Itim na Nazareno.

Humingi rin ito ng permiso na makapunta sa tanggapan ng Department of National Defense (DND) sa Quezon City dahil gusto nitong makipagpulong kay DND Secretary Delfin Lorenzana.
Kaugnay ito ng pagtatalaga ni Pangulong Duterte kay Faeldon bilang deputy administrator ng Office of Divil Defense (OCD).

Ayon kay Gordon, hiniling din ni Faeldon na makalabas ng Senado nang hindi sinasamahan ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSSAA).

Sinabi ni Gordon na tinanggihan niya itong lahat dahil wala sa katuwiran.

Una, dahil ang pagpapalabas dito nang walang kasamang taga-OSAA ay katumbas na ng pagpapalaya rito. Baka rin umano hindi na bumalik si Faeldon sa Senado kapag pinalabas ito.

Hindi rin aniya papayagan si Faeldon na lumahok sa traslacion dahil manganganib ang buhay nito at hindi ito garantisadong mapoprotektahan ng OSAA dahil libo-libo kundi man ay milyon ang dadalo roon.

Sa hirit na makadalo sa misa, sinabihan si Faeldon na mayroon namang misa sa Senado tuwing tanghali ng Lunes hanggang Huwebes.

Sumulat din ang abogado ni Faeldon kay Gordon at nakiusap na payagan itong makapanumpa sa DND para sa posisyon sa OCD pero nabasura ito dahil pwede naman daw manumpa ni Faeldon habang nasa Senado.

Bago ito, hiniling din daw ni Faeldon na makapagdiwang ng kaarawan ng ama at ng iba pang okasyon ng pamilya na pinayagan naman daw sa loob ng Senado.

“An important reason why his request for a furlough could not be granted is also because Capt Faeldon is held for contempt of the Committee and thus of the Senate. The citation for contempt was, and still is, a collegial act which the Chair, on his own, cannot reverse,” paliwanag ni Gordon.

Ayon kay Gordon, umagap lang siya na magkaroon ng constitutional crisis sa pagitan ng Lehislatura at Ehekutibo.

Kalokohan naman aniiya ang akusasyon ni Faedon na pinagkaitan ito ng tubig, kuryente at ng pagkakataong tumanggap ng bisita.
“It is also preposterous for there to be any claim that Captain Faeldon would be deprived of water, power and visitation rights. This is beneath the dignity of the Committee and the Chair,” diin ni Gordon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?