46

Dec 21, 2017 @ 20:21

Mga higante ng SMB, Ginebra tatapatan ng bilis ng TNT

Pagtutuunan ng pansin ng TNT KaTropa ang bilis at liksi ng kanilang mga batang players para makasabay sa iba pang koponan sa PBA Philippine Cup.

Isa sa tatlong nakikitang makasungkit ng PH Cup ang KaTropa ngunit kumpara sa dalawa pa na Barangay Ginebra Gin Kings at San Miguel Beemen ay agrabyado sila sa malalaking players.

Kaya’t ayon kay TNT coach Nash Racela, pagaganahin niya ang younger rotations para makasabay sa dalawang koponan na nabanggit.

Maaasahan niya sa puntos sina Jayson Castro at Roger Pogoy habang dagdag sa bataan niya sina rookies Mac Tallo, Sydney Onwubere at Monbert Arong.

Maliban umano sa pagpapatalas ng kanyang koponan ay sumabak din ang KaTropa sa training camp sa Lithuania kung saan nakipagbakbakan sila sa mga bata at malalakas na teams.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?