24

Sep 13, 2021 @ 17:13
By

Mga health worker tuturukan ng booster shot

Bibigyan ng booster shot ang mga health worker sa bansa para palakasin ang kanilang katawan laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nabalitaan nitong may desisyon na ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) para mabigyan ng booster shot ang mga health worker.

“Nabalitaan ko na nagdesisyon na ang NITAG, ‘yung ating mga eksperto sa bakuna na magbibigay po ng booster shot sa mga health worker,” ani Roque.

Sinabi naman ni Dr. Keiza Rosario, chief ng National Vaccination Operation Center, sa Laging Handa press briefing na hinihintay na nila ang ilalabas na polisiya para sa booster ng health workers.

“Alam namin soon may ipapalabas silang policy. Once that will released or will be available to the public, the National Vaccine Operation Center as an operation arm po ng ating pagbabakuna ay maglalabas po ng operation guidelines para dito. Naghihintay pa po kami ng guidelines,” ani Dr. Rosario.

Inihayag naman ni vaccine czar Carlito Galvez na nakikipagnegosasyon na sila sa apat na manufacturers para sa mga bibilhing booster shot.

“We are now negotiating for next year for 2022 as directed by Secretary Dominguez with four manufacturers with introduction of reformulated booster,” ani Galvez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?