10

Sep 21, 2020 @ 16:34
By

‘Mga health worker panalo sa pag-alis ng travel ban’

Nagpasalamat si Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate labor committee, kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pakikinig sa apela ng mga health worker at pagpayag nitong makaalis na ang mga may kontratang naganap nitong Agosto 31.

“Maituturing po na panalo ito ng ating mga healthcare workers na lubos na nahihirapan dahil sa panuntunan na ito, na ipinatupad noong Abril nang may mabuting intensyon na siguruhing sapat ang manpower natin noong kasagsagan ng pandemya,” sabi ni Villanueva.

Ayon sa senador, hindi umano nasulit ang availability ng mga health workers sa bansa dahil hindi taning 7,850 health workers mul sa parubadong 10,468 slots ang kinuha sa emergency hiring ng DOH.

Hindi rin umano nakakaengganyo ang employment terms sa ilalim ng naturang programa.

“Maliban sa walang garantiya sa hazard pay, masyadong mababa ang sahod ng ating healthcare workers kumpara sa taas ng risk na kanilang haharapin,” sabi ni Villanueva.

“Tatlong buwan lang rin po ang kontrata, at lubhang napaka-ikli nito dahil tinatayang magtutuloy ang pandemya hanggang sa susunod na taon. Para na rin po silang na-endo dito sa ikli ng engagement,” sambit pa nito.

Sabi pa ni Villanueva, kanya pa ring isusulong ang pag-alis ng total deployment sadyang apektado na umano ang kabuhay ang kabuhan ng mga healthcare workers.

“Kung nais po natin silang panatilihin dito, dapat po ipakita ng gobyerno ang pagpapahalaga sa kanila sa pagbibigay ng mas magandang employment terms,” ayon sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?