117

Mar 22, 2020 @ 13:58
By

Mga health worker napilitang gumawa ng panangga vs. COVID-19

Naubos na ang personal protective equipment (PPE) ng isang ospital sa Los Baños, Laguna kaya napilitan na ang mga medical staff doon na gumawa na ng sarili nilang panangga laban sa coronavirus disease 2019.

__xts__%5B0%5D=68.ARDVMz3CDSYnqMGN5AyvRYhSsh70y0bq6bJCVxNLytEFv3A-BEQCw5tP_C7Ly9EfsDzXrCPZkKFMWGScPbCWbvQeFV_N0s5wZCIt9GN3wdGBy_9_MLzz28huigu3JSaHlyChxPBu5xISjn6Pm4d1siHdnbreru5YVw50Br3YrvW9SKQIzpBXDpf4WigRxgvOpJ-_kocbWtzQlsYstjwNmlaNn0ubIv5KPWZVg6u_8GlWTtzbGT-tAPgvzzzcyvtL3sCv&__tn__=-R

Kinwento ito ni Tes Depano ng St. Jude Hospital – Los Baños, at nanawagan sa mga awtoridad na bigyan sila ng sapat na PPE sa kasagsagan ng pandemya.

“Naubos na po kasi ang PPE namin sa kaming hospital at wala na aming mabilihan. Kaya nag improvise na lang kami para kahit papaano mapanatiling ligtas ang aming mga staff,” wika ni Depano sa Facebook, Marso 19, 2020.

“Salamat sa lakas ng loob at dedikasyon ng aming mga staff para makatulong sa mga pasyente,” sabi pa niya.

Sa mga larawan, makikita ang tatlong frontliner (dalawa sa harap, isang nakasilip sa likod) na nababalot sa plastic mula ulo hanggang paa.

Ginawa ring damit ang tila garbage bag bilang panangga nila sa katawan.

Naawa ang mga netizen na nasaksihan ang dinaranas ng mga frontliner.

“Nakakalungkot na nakakaproud. Godbless you all,” ani Shane Beria.

“Nakakatakot naman baka suffocate ung gumagamit ng improvise na PPE.??,” sambit ni D.J. San Gabriel.

“Grabe nman po. Wala bng mgagawang paraan ang LGU? Nkakaawa nman mga health workers,” usisa ni Cynch Yatuc.

“Wag na mag expect. Dahil binawasan ang pondo ng DOH at inilaan sa mga kalsada. Wag n magtaka. Nakakalungkot lang,” hayag ni Marygrace Akosi.

May isa ring water utilities firm na gumawa ng sarili nilang face shield laban sa COVID-19.

DIY face shield para sa mga COVID-19 frontliner kinabiliban

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?