129

Aug 1, 2020 @ 17:20
By

Mga health worker minaliit! Cynthia Villar dinurog sa socmed

Pinutakte ng kritisismo si Senadora Cynthia Villar dahil sa mga nasabi nito sa mga health frontliner na magtrabaho na lang ng mabuti dahil hindi pabor na ibalik ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sa panayam sa dwIZ, giniit ni Villar na hindi dapat tuparin ang kahilingan ng mga health worker na ibalik ang Metro Manila sa ECQ dahil tuluyan umanong babagsak ang ekonomiya ng bansa.

Aniya, dapat ay maging ‘passionate’ at mag-‘work hard’ na lang mga frontliner sa kabila ng pagkapuno ng mga COVID-19 ward sa mga ospital dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng virus.

“Hindi na siguro (ibabalik sa ECQ), pagbutihin nila trabaho nila (frontliner). ‘Di pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang tao,” lahad ni Villar.

May time in our lives na ikaw talaga ang mapapagod, iba iba naman ang kalamidad, so itong kalamidad na ito ang mapapagod dito ang health frontliners natin, iba iba yan, but I guess we need to work hard,” aniya pa.

Dahil dito, marami ang bumanat sa senadora dahil sa tila pangmamaliit umano nito sa mga health worker.

“Sobrang baba ng tingin ni Cynthia Villar sa mga health professionals. Pagbutihin? Work hard? Maging passionate? Sagad na sagad na sila, Cynthia. Namamatay na sila sa pagkahawa, kakulangan sa kagamitan, labis na oras na trabaho, at baba ng sahod, tapos ganyan pa sasabihin mo?”giit ni @theklmanuel.

“Every hospital in the country should declare Cynthia Villar as persona non grata. How dare you belittle people in the medical field??????” ayon naman kay @TheAveengers.

“This
@Cynthia_Villar
talaga walang kaempa-empathy sa dugo, ano? Maging passionate? Hoy br*ha ka, some of them died from doing their jobs. They sacrificed their lives doing their jobs, you heartless real estate f*ck,” patama naman ni @Dear_Deadly.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?