8

May 10, 2021 @ 12:22
By

Mga Hapon kontra sa pagdaraos ng Olympics

Sinalubong ng protesta nitong Linggo ang pagsisimula sana ng isang track-and-field test event para sa darating na Tokyo Olympics sa Japan.

Ang mga raliyista ay may dalang mga slogan na nagsasabing “Save people’s lives” at “Medicak care takes priority.”

May dala pang mga mikropono at gumamit ng malalakas na tugtog ang mga nagpoprotesta upang marinig ang kanilang mga hinaing tungkol sa pagdaraos ng Olympics.

Nakatakdang magsimula ang naturang event sa Hulyo 23 ngunit tila hindi sang-ayon ang mga Hapon na ituloy ang Olympics.

Sa isang survey na isinagawa sa bansa mula Mayo 7 hanggang Mayo 9, lumabas na 60% ng mga Hapon ay hindi pabor na ituloy pa ang kompetisyon, dahil na rin sa pangambang magdulot ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?