41

By

Mga guro sa San Juan binigyan ng libreng laptop

Lubos ang pasasalamat ng mga titser kay San Juan City Mayor Francis Zamora matapos silang pagkalooban ng libreng brand new laptop.

Pinangunahan ni Mayor Zamora kamakailan ang distribution ng may 375 laptops para sa mga public school teacher sa City Gymnasium.

Bahagi ito ng kanyang programang #MakabagongSanJuan para sa edukasyon na naggagarantiya ng 1:1 ratio ng laptop kada public school teacher.

Ayon sa mga guro, ang pagbibigay sa kanila ng gamit para sa pagtuturo ay hindi lang pagpapakita ng suporta ng San Juan City sa kanila kundi maging sa mga estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?