45

Sep 8, 2021 @ 15:06
By

Mga guro nganga pa sa OT pay

Magsisimula na ang klase sa pampublikong paaralan sa susunod na linggo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Department of Education (DepEd) ang guidelines kaugnay ng overtime pay ng mga guro sa nakaraang school year.

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro mahigit dalawang buwan na mula ng makipagdayalogo ang ACT sa DepEd at Civil Service Commission (CSC) kaugnay ng 87 araw na overtime work ng mga guro.

“They said they already had a draft and that it was for finalization and they would release it by the end of July. It is already September, less than a week until the start of the next pandemic school year, where are the guidelines for our teachers’ overtime pay?” tanong ni Castro.

Sa deliberasyon ng budget ng CSC noong Martes, humingi ng update si Castro sa overtime pay guidelines.

“They reported that the guidelines are still being resolved by the DepEd and the Department of Budget and Management. Anong petsa na? Kelan na matatanggap ng mga guro natin ang overtime pay na karapat-dapat lamang na ibigay sa kanila?” dagdag pa ni Castro.

Sinabi ni Castro na kulang na nga ang suporta sa mga guro, abonado pa dahil kulang ang gamit na bigay ng DepEd para makapagturo sa ilalim ng blended learning scheme ay hindi pa ibinibigay sa oras ang bayad na nararapat sa kanila.

“Napaka-insensitive ng kawalan ng sense of urgency ng DepEd sa mga benepisyong karapat-dapat lamang na ibigay sa mga guro. Patuloy ang kanilang pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan sa paghihirap na dinaranas ng libo-libong guro na kanilang inaabandona sa palpak na blended distance learning. Dehado na nga ang mga kabataan dahil sa learning loss na kanilang nararanasan habang lalong tumatagal na walang face-to-face classes, lugi pa ang mga guro dahil hindi binibigay ang benepisyong karapat-dapat ay kanila,” wika pa ng lady solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?