406
ABANTE dbm protest teachers salary
By

Mga guro nagprotesta sa harap ng DBM para sa taas-sahod

Sharing is caring!

Sumugod ang ilang mga public school teacher sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) sa lungsod ng Maynila ngayong umaga.

Kinalampag ng grupo ang gate ng tanggapan at humiga pa sila sa kalsada para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa hindi pa rin pagtaas sa kanilang mga suweldo.

Ayon kay Louie Zabala, presidente ng Manila Public School Teachers Association, doble-sahod sana ang kanilang hiling sa pamahalaan.

Kung susundin ito, mula P21,000 na entry level na suweldo ng mga guro, magiging mahigit P40,000 na ang sahod ng entry level na mga guro.

Ngunit ayon kay Zabala, sapat na sa kanila kung mula P21,000 ay maging P25,000 ang suweldo ng mga guro — alinsunod na rin sa nakabinbing House Bill 56 (An Act Increasing the Minimum Salaries of Teachers and other gov’t employees).

Bagaman natutuwa ang grupo sa salary increase para sa mga pulis, militar at iba pang uniformed personnel, tinawag nilang anti-poor at insensitive ang pahayag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi prayoridad ang dagdag sahod para sa mga guro.

Nilinaw naman ni Zabala na wala silang naantalang klase dahil mamayang hapon pa ang kanilang mga klase.

Aniya, masusundan pa ang mga ikakasa nilang kilos-protesta. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?