128
abante teacher train law

Mga guro magbebenepisyo sa TRAIN law – DepEd

Sharing is caring!

Benepisyo ang hatid sa mga guro ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Magtolis Briones, umpisa ngayong Enero 2018 ay may maiuuwi nang dagdag na take-home pay at allowances ang mga guro dahil sa pagtatanggal ng buwis sa mga sumasahod ng hindi lalagpas sa P200,000 kada taon.

Dati kasing nakapag-uuwi lang ng P17,220.86 (may kasamang Personnel Economic Relief Allowance o PERA) ang Teacher 1 na walang dependents mula sa basic niyang sahod na P19,620.

Pero dahil sa implementasyon ng TRAIN law at sa ikatlong bahagi ng Salary Standardization Law (SSL) ng 2015, inaasahang makakatanggap ng gross basic salary na P20,179 ang Teacher 1 at may take-home pay na P20,012.89 (may kasamang PERA).

Noon pa man ay bukas na ang DepEd sa paghahayag nito ng suporta sa tax reform law na nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nakaraang taon at iiimplementa ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }