753

Jun 18, 2021 @ 16:36
By

Mga guro ini-stress ng DepEd – Rep. Castro

Sa halip na pagaanin ang trabaho, lalong dinadagdagan pa umano ng Department of Education (DepEd) ang stress ng mga guro sa mga pampublikong paaralan na pinagagawa nila ng module.

Ang lalo pang nakalulungkot, ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro hindi naman pala trabaho ng DepEd ang gumawa ng mga learning material.

Inaalis ng Book Publishing Industry Development Act (Republic Act 8047) sa DepEd ang responsibilidad na gumawa ng learning materials at inililipat ito sa National Book Development Board.

“Teachers, even before the official start of the school year, have been burdened with producing, printing and distributing learning materials to their students with the additional requirements of the DepEd’s blended distance learning. They have been carrying the weight of making their own learning materials for their classes with little to no support from the DepEd,” sabi ni Castro.

Kung sumunod lamang umano ang DepEd sa batas at hindi nagpilit na gumawa ng learning materials ay hindi sana nadagdagan ang trabaho ng mga guro.

“DepEd’s responsibility was to provide the curriculum, monitor and validate the content of available learning materials and textbooks and guide publishers of the content of learning materials. Instead, DepEd puts a huge burden on its teachers and resources in producing learning materials,” dagdag pa ng lady solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?