66

Dec 17, 2019 @ 14:22
By

Mga gulay sa Benguet tinamaan ng andap

Apektado ng frost o andap ang ilang pananim na gulay sa lalawigan ng Benguet dahil sa patuloy na pagbaba ng temperatura ngayong buwan.

Ayon kay Atok, Benguet Mayor Raymundo Sarac, tinamaan na ng andap ang ilang mga pananim sa kanilang bayan.

Gayunpaman, sinabi ni Sarac, alam na ng mga magsasaka ang kanilang gagawin para hindi masira ang kanilang pananim kahit lalo pang lumalamig ang temperatura sa Atok.

Sapat aniya ang suplay ng gulay na nanggagaling sa kanilang bayan na ibebenta sa ibang lugar para sa holiday season.

Maliban sa Atok ay ramdam din ang mas malamig na temperatura sa mga bayan ng Buguias at Kibungan sa lalawigan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), dapat asahan ang lalo pang pagbaba ng temperatura sa Baguio City at Benguet ngayong Disyembre 2019 at sa unang bahagi ng susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?