255

Dec 24, 2018 @ 12:31

Mga graduating student magtatanim para sa diploma

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na mag-oobliga sa magtatapos na mga estudyante na magtanim ng hanggang sampung puno bago makuha ang kanilang mga diploma.

Layon ng House Bill 8728 o Graduation Legacy for the Environment Act, na maisama sa sistema ng edukasyon ang pangangalaga sa kalikasan para maging responsableng mamamayan ang mga estudyante.

Sakop ng panukala na iniakda ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang lahat nang magtatapos sa elementarya, high school at kolehiyo.

Maaari silang magtanim sa gubat, bakawan at iba pang protected areas, ancestral domains, civil at military reservations, urban areas sa ilalim ng greening plan ng mga lokal na pamahalaan, abandonadong minahan at iba pang lupa na maaaring pagtaniman.

Ang uri naman ng punong itatanim ay dapat angkop sa lokasyon, klima at topography ng lugar.

Inaatasan ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHED) na pangasiwaan ang implementasyon nito sakaling maging batas.

Pearl Serrano

ReplyForward
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?