16

Jul 19, 2021 @ 20:19

Mga grade 12 sa Taguig, tatanggap ng tig-P15K

Makakatanggap ng P15,000 scholarship vouchers ang lahat ng graduating Grade 12 student sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Taguig na gagamitin nila sa pagpasok sa kolehiyo.

Ito ang sinabi kahapon ni Taguig City Mayor Lino Cayetano, kung saan ang voucher certificate ay maaring makuha sa Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (L.A.N.I.) scholarship program oras na nakapag-enroll na sa anumang technical vocationals o baccalaureate course.

“This voucher is part of the L.A.N.I scholarship program that persuades graduates to take up tertiary education. To our beloved students, we have faced so much this year, let us get inspiration from this graduation,” pahayag ni Mayor Cayetano sa kanyang statement nitong Lunes.

Samantala lahat ng Top 1 graduating students mula grade 6, 10 at 12 ay makakatanggap naman ng karagdagang P15,000 cash habang ang Top 2 naman ay may P12,500. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?