100

Sep 8, 2021 @ 10:17
By

Mga Grade 1 section ipinangalan sa COVID vaccine, netizens aliw!

Trending ngayon online ang pangalan ng mga section sa isang paaralan sa Valenzuela City.

Imbes kasi na pangalan ng bulaklak, kulay, o bayani, binase ang pangalan ng bawat section sa mga COVID-19 vaccine.

Makikita sa post ng Bitik Elementary School ang lima nilang section para sa Grade 1: ang section Sinovac, Pfizer, Moderna, Janssen, at Astra.

Aliw naman ang mga netizen sa paandar na ito ng mga guro.

Mary Lagunsad: “Very relevant💖 Galing!
Unforgettable SY indeed💓”

Corazon Gernale: “Sino ang mastermind ng section na yan,mag tiktok kyo isaisa,natawa ako sa section ninyo.ingat kyo front teachers 😍👍”

Betty Santos: “Nakakatuwa naman pangalan ng section ninyo”

Jorsh Velasco: “nakaka tuwa ung mga sectioning 🤣🤣🤣”

Tanong ngayon ng mga netizen: “Sino kaya ang pinakamagaling na section?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?