3,193
parks
Jun 25, 2018 @ 20:13
By

Mga Ginebra fan pinaandaran ni Parks; Mga ka-barangay, mag-ingay!

Nagpatikim si Ray Parks, Jr., sa mga fan ng crowd darling Barangay Ginebra Gin Kings na tila nais nitong mapabilang sa pinakapopular na koponan ng PBA sa nalalapit na PBA Rookie Draft.

Sa post game interview kasunod ng panalo ng kanyang Mandaluyong El Tigre kontra Zamboanga Valientes nitong Sabado sa 2018 MPBL Datu Cup, nagpasalamat ito sa kanyang fans.

“Maraming salamat po sa lahat nang sumusuporta dito sa Cavite. Taga-Parañaque po ako so thank you po mga taga-Cavite kahit umuulan nandito pa rin kayo, ingat po sa pag-uwi. God bless po,” sabi ni Parks.

Tapos na ang live interview sa kanya ng courtside reporter pero humirit pa ito ng patikim sa mga Ginebra fan.

“Never say die,” ani Parks.

Naghiyawan naman ang fans sa Imus City Sports Complex.

Nagbigay malisya ang basketball fans na sasalang na si Parks sa susunod na conference ng PBA para sa Ginebra.

Nagtala naman ng double double score si Parks ng 13 points at 15 rebounds para ihatid ang Mandaluyong sa buena manong panalo, 71-61.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?