By

Mga gangster na pulis, iligpit – Duterte

Sharing is caring!

Napundi na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasaway na pulis na tuloy pa rin sa paggawa ng kalokohan.

Tinawag ng Pangulo na “gangster” ang mga pulis na ayaw paawat sa kabila ng repormang ipinatutupad sa hanay ng Philippine National Police.

Dapat aniya sa mga ganitong uri ng pulis ay itumba, sabay muwestra sa kanyang leeg.

“Medyo ang mga pulis Maynila, ‘yung mga gangster lang. Karaming pulis na gangster. ‘Yan ang dapat talagang i-kkkk. L**** ang mga ‘yan,” anang Pangulo.

Matatandaang pag-upo ng Presidente sa puwesto ay ipinag-utos nito ang pagtugis sa “ninja cops” at nag-alok pa ng P2 million para maaresto ang mga ito.

Naiinip na ang Pangulo dahil hanggang ngayon ay wala pa ring naaaresto ang PNP na “ninja cops”.

Ang ninja cops ay mga pulis na nagre-recycle ng mga nakukumpiskang shabu sa kanilang anti-drug operations at muling ibebenta ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?