260

Apr 6, 2019 @ 15:24
By

Mga gamit ni Guns N’ Roses rocker Slash, pinasubasta ng ex-misis

Matapos ma-finalize ang kanilang diborsiyo noong September 2018, pinagtatapon lahat sa auction ni Perla Hudson ang mga exotic at erotic item sa 14 years of marriage nila ng dati niyang mister na si Guns N’ Roses guitarist Slash o Saul Hudson sa tunay na buhay.

Naghiwalay ang dalawa noong 2014 matapos ikasal noong 2001 dahil umano sa pagkakaroon ng bagong girlfriend ni Slash na Meegan Hodges ang pangalan.

Ang collection ay kinabibilangan ng personal possessions na mula pa noong 1980s hanggang 1990s.

Kabilang sa mga item na maaaring i-bid ang personal at professional wardrobe ni Slash, dose-dosenang “cool graphics” t-shirts niya, leather belts, music awards, unique at gothic-like furniture, artwork na related sa career ng rakista, mga sombrero at sari-saring Guns N’ Roses collectibles.

Magaganap umano ang subasta sa Hard Rock Cafe sa New York sa May 17 at May 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?