18

By

Mga gamit ni Frank Sinatra, naibenta ng $9M

Patok ang private treasures ni Frank Sinatra at ng asawa nitong si Barbara sa ginanap na auction sa New York.

Ayon sa Sotheby, mabenta ang entertainment memorabilia ng mag-asawa gaya ng paintings, mga alahas, libro at personal na mga gamit na naibenta ng $9.2 million.

Siyam na painting ng ‘My Way’ singer ang nabili ng mahigit $850,000 habang ang 20-carat diamond engagement ring na ibinigay nito sa kanyang fiancee ay nakuha ng $1.7 million.

Ilan sa kinita sa auction ay ibibigay sa Barbara Sinatra Children’s Center sa Rancho Mirage, California na nagkakanlong sa mga biktima ng physical, sexual at emotional abuse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?