168

Aug 27, 2019 @ 22:45
By

Mga gamer nagpasaklolo kay Bam Aquino

Binati ni dating senador Bam Aquino ang TNC Predator sa pagdadala ng bandila ng Pilipinas sa world’s biggest annual Dota 2 tournament, ang The International.

Sa kabila na natisod sa Team Liquid ng Netherlands, 2-0, sa best-of-3 series, proud pa rin si Aquino sa pinamalas na giting ng Philippine Dota 2 team, na nagbulsa ng tumataginting na P35 million.

“Now that #TI9 is over, I just want to send my biggest congratulations to our boys! Thank you for once again putting the Philippines in the spotlight as a force to reckon w/ in the #DOTA2 community. Salamat sa buong giting na pagdala ng bandila ng Pilipinas! So proud of you!” tweet ni Aquino.

Ikinatuwa ito ng mga nakaka-relate sa Dota at mga gamer kung saan nagpatulong pa sa dating senador sa pagpo-promote ng esports para maipakita umano sa lahat na hindi sila patapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?