56

Aug 8, 2020 @ 10:37
By

Mga galit sa Meralco, hinilot nina Sarah, Matteo

Right move pagkuhang endorser sa power couple na sina Matteo Guidecelli at Sarah Geronimo ng Meralco.

Paano ba naman kasi ay tila napawi ang pagkaimbyerna ng milyong Sarah G. fan dahil sa shocking bill ng electric distribution company.

Nilabas na nga ang bagong advertisement tampok sina Sarah at Matteo para sa kanilang unang endorsement bilang mag-asawa, kung saan pinaliwanag nila ang biglaang pagtaas ng Meralco bill noong panahon ng enhanced community quarantine.

Sey ng ilang netizen, baka wala na magreklamo sa Meralco dahil sa AshMatt.

“Ate baka wala nang mag-complain sa Meralco dahil na-in love na sa inyong dalawa,” sey ni es_tela6173.

“Pipilitin kong unawain ang Meralco para sa inyo,” ayon naman kay aiendevera.

Ngunit dahil sa naturang commercial, nabuo ang rumor na baka lumipat ng network si Sarah G. na tanong ng isang netizen.

Ito’y dahil pagmamay-ari ng Manny V. Pangilinan ang Meralco, kung saan siya din ang may hawak sa TV5 na ayon kay MVP ay handa siyang sumalo ng mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

Sa ngayon ay napapanood pa rin naman si Sarah G sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?