77

Sep 10, 2021 @ 22:19
By

Mga galing Switzerland, Israel, 7 pang bansa bawal sa ‘Pinas

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa siyam na bansa na nasa “red list” pagdating sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bawal pumasok sa Pilipinas mula September 12 hanggang September 18 ang mga pasaherong mula sa Azerbaijan, Guadeloupe, Guam, Israel, Kosovo, Montenegro, North Macedonia, Saint Lucia at Switzerland.

Hindi kasama sa travel ban ang mga returning Filipino mula sa repatriation at mga special commercial flight.

Gayunpaman, obligado ang mga ito na sumailalim sa 14-araw na quarantine period.

Sampung araw ay gugugulin nila sa isang quarantine facility habang ang apat na araw ay home quarantine sa pupuntahang local government unit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?