111

Mar 9, 2020 @ 14:45
By

Mga galing ‘Pinas bawal muna sa Qatar

‘Di papapasukin sa Qatar ang mga turistang bumiyahe mula sa Pilipinas at sa 13 pang bansa sa kasagsagan ng coronavirus outbreak.

Sa isang Marso 8, 2020 advisory na in-upload sa website ng State of Qatar’s government communications office, nakasaad na kabilang sa pansamantalang haharangan sa pagpasok doon ang mga nagmula o bumiyahe mula Pebrero 24 hanggang Marso 9, 2020 sa Pilipinas, Bangladesh, China, Egypt, India, Iran, Iraq, Lebanon, Nepal, Pakistan, South Korea, Sri Lanka, Syria at Thailand.

Pasok sa mga pansamantalang haharangin sa Qatar ang mga indibidwal na may visa upon arrival, mga pansamantalang bisita, at iyong mga may residence o work permit.

Una nang sinuspinde ng Qatar Airways ang mga biyahe nito papunta at galing Italy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?