46
Mga gabinete, magkaka-date sa Valentine’s concert ng Brazilian singer
By

Mga gabinete, magkaka-date sa Valentine’s concert ng Brazilian singer

Bagama’t abala sa buong araw na trabaho ay makakapag-relax ngayong gabi ng Valentine’s Day ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa dahilang sama-sama silang manonood ng Valentine’s concert ng Brazilian singer na si Sergio Mendes sa isang kilalang hotel and casino sa Parañaque City mamayang gabi.

Gayunman, hindi ito bukas sa media kundi close-in lamang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kasama ng mga gabinete ang kanilang mga asawa.

Ilan sa mga aasahang darating sa concert ay si Executive Secretary Salvador Panelo at misis nito at si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

Hindi naman masabi ng kalihim kung manonood din si Pangulong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?