91

Mar 7, 2021 @ 21:42
By

Mga frontliner sa San Juan nabakunahan na vs COVID-19

Nabakunahan na kontra COVID-19 ang mga healthcare worker ng San Juan Medical Center (SJMC) at San Juan City Health Office nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng GMA News, unang nabakunahan sa kanilang lungsod si SJMC medical director Retired General Dr. Joseph Acosta.

“I got the shot for the hospital, my patients, and my family. Getting vaccinated protects not just myself but the people around me,” ani Acosta sa isang pahayag.

Aniya, responsibildad niyang ipakita sa kanyang mga katrabaho na ligtas ang bakunang ituturok sa kanila.

“I believe it is my responsibility to show our medical frontliners and the San Juaneños, as Medical Director of our only public hospital in the city, that our vaccines are safe and definitely effective.”

Kasalukuyang 138 frontliner ang nagparehistro para makakuha ng COVID-19 vaccine nguit 87 pa lanang dito ang nababakunahan.

Nakatanggap ng 2,300 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang naturang lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?