15

Apr 30, 2021 @ 14:08
By

Mga foreigner puwede na sa ‘Pinas simula Mayo

Papayagan nang makapasok sa Pilipinas ang mga banyaga pagsapit ng May 1, ayon sa Palasyo.

Ngunit ang mga bibiyahe mula India ay hindi pa rin papayagan dahil nakataas pa rin ang travel ban sa nasabing bansa, na magtatapos sa May 14.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ilang kondisyon ang dapat sundin ng mga foreigner para makapasok sa bansa.

Ilan dito ay ang pagkakaroon ng balidong visa maliban sa mga kasama sa Balikbayan Program; may pre-booked accommodation para sa pitong araw na quarantine; COVID-19 testing sa ika-6 araw matapos lumapag sa bansa; at makasama sa 1,500 maximum capacity ng mga inbound passenger kada araw.

“All these are without prejudice to immigrations, rules, and regulations. The Commissioner of Immigration shall have the exclusive prerogative to decide on the waiver or recall of exclusion orders of foreign nationals, subject to regular reporting to the IATF Secretariat,” saad ni Roque.

Matatandaan na noong March 22 ay muling pinatigil ang pagbiyahe ng mga foreigner papasok sa Pilipinas dahil sa naging pagsirit ng COVID-19 case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?