43

Jan 14, 2021 @ 19:59
By

Mga foreign traveler mula UAE, maaaring i-ban sa pagpasok sa bansa

Maaaring hindi muna pahihintulutang makapasok ang mga foreign traveler na magmumula United Arab Emirates (UAE) sa Pilipinas upang maiwasan ang pagkalat ng mas nakahahawang variant ng Covid-19 ayon sa Malacañang.

“Because of this discovery, chances are yes, there will be travel restrictions imposed on the UAE,” ani “Because of this discovery, chances are yes, there will be travel restrictions imposed on the UAE,” Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang online briefing.

“Hintayin na lang po natin ang pormal na desisyon ng ating Presidente, which will be forthcoming very soon,” dagdag pa niya.

Una nang ipinatupad ng pamahalaan ang mga travel restriction hanggang Enero 15 sa bansang sumusunod:

China
Pakistan
Jamaica
Oman
Luxembourg
United Kingdom
United States
Denmark
Ireland
Japan
Australia’
Israel
The Netherlands
Hong Kong, SAR
Switzerland
France
Germany
Iceland
Italy
Lebanon
Singapore
Sweden
South Korea
South Africa
Canada
Spain
Portugal
Finland
Norway
Jordan
Brazil

Makakapasok naman ang mga Pilipino sa bansa mula sa mga nabanggit na lugar basta’t sumailalim lamang sa 14 araw na facility-based quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?