30

By

Mga foreign observer pinasabugan sa Bukidnon

Nasa 11 katao ang sugatan matapos atakehin ng mga rebelde ang convoy ng mga foreign observer sa bayan ng Impasugong, Bukidnon nitong Huwebes.

Hindi pa batid kung kasamang nasugatan ang mga dayuhan pero pito sa mga sugatan ay military personnel na nagbibigay-seguridad sa grupo.

Batay sa 403rd Infantry Brigade ng Army, bumisita ang grupo ng mga local volunteer at foreign observer na mula sa Vietnam, Myanmar, Indonesia at Malaysia sa Indigenous People’s community sa Sitio Mintapod, Brgy. Hagpa, Impasugong para obserbahan ang preservation practices sa lugar.

Pero habang binabaybay ang Sitio Nasandigan sa Brgy. Kalabugao, pinasabog ng mga rebelde ang isang anti-personnel mine at tinarget ang convoy.

Nagpaputok na rin ang mga sundalo kung saan umano nasugatan ang tatlong New People’s Army.

Matapos umano ang insidente, dumiretso ang delegasyon sa Laguindingan Airport para sa kani-kanilang flights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?