93

May 1, 2019 @ 20:48
By

Mga flight cancellation ng Cebu Pacific, iimbestigahan ng DOTr

Sisilipin ng Department of Transportation (DOTr) ang dahilan ng maramihang flight cancellations ng Cebu Pacific.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, dito malalaman kung internal operating conditions ng Cebu Pacific ang sanhi ng mga flight cancellation o sa istruktura at kondisyon ng mga airport.

“I have talked with CAB (Civil Aeronautics Board), MIAA (Manila International Airport Authority) and CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines) to look into the matter. While we would like to understand the present predicament of Cebu Pacific in relation to their internal requirements, they should equally understand our mandate of making sure that the traveling public is safe, secure and convenient,” ani Tugade.

Inaasahan umanong matatapos ang kanilang imbestigasyon sa loob ng 10 hanggang 14 araw.

Noong Martes nang inanunsiyo ng airline ang kanselasyon ng may 116 domestic flights nito na naka-schedule sa Mayo 1-10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?