441

Dec 9, 2017 @ 14:31
By

Mga fishpen sa Laguna de Bay wasakin! – Duterte

Pinapaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga fishpen na nakakalat sa Laguna de Bay.

Sinabi ng Pangulo na tuwing umuuwi siya sa Davao City ay nakikita niya ang mga fishpen habang sakay ng eroplano at napapaisip kung paano makadaan at maayos na makahuli ng isda sa Laguna de Bay ang mga mangingisda.

Ipinag-utos na aniya nito ang pagwasak sa mga fishpen noong kauupo pa lamang sa puwesto pero hanggang ngayon ay hindi pa nagagalaw ang mga ito.

Karamihan sa mga may-ari ng fishpen ay mga alkalde, congressman pati mga heneral kaya’t pag-upo ng Pangulo noong 2016 ay isa ito sa mga unang utos niya na alisin ang mga illegal fishpen sa Laguna de bay.

“Ang flight route natin is iyong Laguna de Bay, nakikita ko palagi sabi ko P***ina dito isang fence, akala mo bukas na, may isa pa pala dito. Tapos akala mo dito bukas, may isa na naman pala. P*** saan magdaan ang mga fisherfolk dito? Puro okupado! Sabi ko sinong may-ari? General, mayor, congressman, ay P***,” ang pahayag ng Pangulo.

Inatasan na ng Pangulo ang mga otoridad na sirain ang mga baklad at kapag pumalag ang mga mayor ay isama ito sa mga sirain at huwag aniyang manghinayang na patayin dahil maraming gustong maging mayor.

“Itong kay mayor sirain mo… sirain mo pati si mayor. Maraming mayor dito huwag kayong manghinayang, patayin mo ‘yang isa mayroong — maraming gustong mag-mayor diyan, gusto pa nga nilang sila na mismo ang pumatay eh,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?