138

Feb 26, 2019 @ 13:45
By

Mga fan, walang kupas ang pagmamahal kay Maricel Soriano

Walang kupas na pagmamahal at suporta ang ipinakita ng mga fan ni Maricel Soriano sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Inabangan ng mga fan ang guesting ng Diamond Star sa programa ng ABS-CBN na ‘Magandang Buhay’.

Baha ang pagbati ng mga taga-suporta ni Soriano sa social media.

Wala rin namang kupas ang pagpapakitang gilas ng Diamond Star para sa kaniyang mga fan.

Sa naturang episode ng Magandang Buhay, buong siglang sumayaw ang aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?