72

Mga fan saludo kina imports Salas, Johnson ng PetroGazz

Kinoronahan bilang mga bagong reyna ng 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference ang PetroGazz Angels tapos pabagsakin ang Creamline Cool Smashers sa winner-take-all Game 3 via 4-set, 25-15, 28-30, 25-23, 25-19 nitong Linggo ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.

Pinangunahan ni Cuban import Wilma Salas ang nagtagumpay na koponan sa 30 points samantalang umalalay ang tinanghal na Finals MVP si American reinforcement at team captain Janisa Johnson ng 23 markers.

Bilib ang mga netizen sa Twitter sa husay na pinamalas ng dalawa reinforcements at ng PetroGazz sa season-opening tournament ng Sports Vision Management Group, Inc.

“TEAM WORK MAKES THE DREAM WORK REPEAT TEAM WORK MAKES THE DREAM WORK CONGRATS @PetroGazzAngels PS. bulag na lang ang magsasabing imports “lang” ang nagdala sa games, haluuu #PVL2019 #PVLReinforcedConference2019″ tweet ni Jane (@janextrilles)
Hirit naman ni DGRACE (@GraceMangabat) “Congratulations PetroGazz Angels our PVL Reinforced Conference 2019 Champs!Well deserved!Sobrang galing nina Wilma Salas at Janisa Johnson!Next year ulit mga idol! #PVL2019 #PhotoCTO”
“Wilma Salas dominates the entire Game. Well done! Congratulations Petro Gaza #PVL2019 #PVLReinforcedConference2019” sabi ni Mitsukero_Dareka (@acho_gerald)
Banat pa ni tO_O ki ro (@doze_abril) “Yung import talaga na si Wilma Salas at Janisa Johnson ang alamat sa Petro Gazz ngayon..Iba ung galing nila among the Imports.Sa umpisa pa lang kita na agad na magaling.. #PVL2019”

Pero iba ang hirit ni sep (@sep_tolentino) “walang kakain, talo Creamline #PVL2019”
Positibo ang pananaw ni Ronie Jean Dela Cruz Flores (@RonieJeanDelaC1) “Nice game Creamline ayos lang kahit hindi nag champion bawi na lang next conference wala ng import #PVL2019”

Nanaig ang PetroGazz sa best-of-three Finals matapos makuha ang Game 2 nitong Sabado at Game 3 nitong Linggo sa kabila na natisod agad sa Game 1. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?