Naglilipana na ang mga nagkakainteres sa mga social media account ng mga supporter ni Angel Locsin.
Sa ilang Instagram story ni Angel, may mga screenshot siyang ipinakita kung saan mine-message ang kanyang mga fan ng ilang indibiduwal para bilhin ang kanilang mga account.
Ito’y nabunyag matapos na mangyari din ito sa ilang Kapamilya celebrity, ayon kay Bea Alonzo.
“After reading Bea’s post na may bumibili ng mga accounts, ito rin ang nabasa ko. Sabi nga ni Bea, you be the judge,” saad ni Angel.
Maraming fan tuloy ang napapaisip kung anong motibo ng mga bumibili ng account lalo’t kritikal ngayon sa administrasyon si Angel matapos maipasara ang kanyang mother network na ABS-CBN.

