12

By

Mga fan ng Harry Potter dismayado sa dugyuting itsura ni Draco

Sharing is caring!

Maraming Harry Potter fans ang nadismaya sa dugyuting itsura ngayon ng actor na gumanap bilang si Draco Malfoy na si Tom Felton. Si Draco ang primerong kontrabida ni Harry Potter sa walong pelikula based on the literary books na sinulat ni J.K. Rowling.

Naging guest si Felton sa Good Morning Britain kamakailan at ibang-iba na raw ang itsura nito. Mahaba ang buhok nito at parang hindi raw ito naligo at parang walang time na pumunta sa isang barber or salon para I-style ang buhok niya. Mukha na raw itong matanda para sa edad niyang 31 years old.

May mga nag-request na ibalik ni Felton ang bleach-blonde hair niya noong Harry Potter Days niya.

“Could’ve washed your hair @TomFelton @GMB #gmb #goodmorningbritain” comment pa ng isang netizen na nakapanood kay Felton.

“Please!! Someone do something with Tom Felton’s hair!,” comment naman ng isa pa.

“Tom Felton looking like he is rocking up late to his first sociology lecture after freshers week,” sabi pa ng isang netizen.

Nag-guest si Felton sa GMB para i-promote ang kanyang sci-fi YouTube series na Origin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?