96

Sep 29, 2018 @ 16:53
By

Mga fan ng Adamson, nagbunyi sa perpektong record

Hindi maitago ng mga tagahanga ng Adamson University ang kanilang kagalakan matapos padapain ng Soaring Falcons ang National University Bulldogs, 63-58, nitong Sabado, Setyembre 29.

Ang iba ay ikinumpara ang laro ng Adamson sa mobile app na ‘Rules of Survival’ na isang libangan na kapana-panabik, samantalang inamin naman ng iba na kinabahan sila sa bandang dulo ng laro.

Higit sa lahat, inaasahan din nila na magtuloy-tuloy ang hagupit ng Adamson.

Ang sunod na makalalaban ng Adamson ay ang Far Eastern University sa Linggo, Oktubre 7, sa Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?