37

Jul 19, 2021 @ 15:41
By

Mga fan nagkagulo! John Cena bumalik sa WWE

Makalipas ang ilang taon ay muling nasilayan sa WWE si John Cena.

Sa ‘Money in the Bank’ event nitong Lunes, oras sa Pilipinas, nagulantang ang mga wrestling fan nang biglang patugtugin ang iconic na entrance song ni Cena.

Umeksena si Cena matapos madepensa ni Roman Reigns ang kanyang WWE Universal Championship kontra kay Edge.

Sa exlusive video ng WWE Network, nagsalita si Cena tungkol sa kanyang pagbabalik sa wrestling.

“You can see me! Money in the Bank shocked the world with so many surprises!” sambit ni Cena, kung saan nagpatikim pa ito na sasalang siya sa Monday night Raw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,