32

Sep 28, 2019 @ 15:14
By

Mga fan nagbunyi! ‘Spider-Man’ tuloy ang adventure!

Mananatili sa Marvel Cinematic Universe si “Spider-Man”.

Ayon sa report ng New York Times, nagkasundo na ang Sony Pictures Entertainment at Walt Disney Studios at patuloy na magtutulungan para ihatid muli ang pelikula tungkol kay “friendly neighborhood Spider-Man”.

Ang Marvel Studios ang magpo-produce ng ikatlong pelikula sa “Spider-Man Homecoming” series.

Nakatakdang ipalabas ang susunod na “Spider-Man” film kung saan bida si Tom Holland sa July 16, 2021.

Ayon sa Sony Pictures, para umano ito sa kanilang mga fan.

Magugunitang hindi nagkasundo ang Disney at Sony Pictures sa hatian ng kita kamakailan kaya pinutol ang agreement nila para makagawa ng mga pelikula ni “Spider-Man”.

Samantala, natuwa naman ang mga fan dahil tuloy na tuloy na ang 3rd installment ng “Spider-Man Homecoming”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?