137

Jun 18, 2020 @ 7:57

Mga fan nabulabog: Alden virgin, pinkish ang nipple

Ang pinkish na utong ni Alden Richards ang naging sentro ng pansin, usapan ng mga netizen. Ibinalandra kasi niya ulit ang selfie-topless photo niya sa Instagram.

Nabulabog, naligalig, nauhaw ang mga tagahanga ni Alden sa photo niyang `yon na lantad ang kamachohan niya, habang nasa loob siya ng banyo at tila bagong paligo.

Bukod sa kanyang kagwapuhan, ganda ng katawan, mga pandesal sa tiyan at kutis na malaporselana sa kinis, ang pinkish na utong nga ni Alden ang pinagdiskitahang panggigilan ng kanyang mga tagahanga.

Hindi halos makapaniwala ang mga fan ni Alden na may lalakeng gaya nito na parang hindi pa nalalawayan ng kahit na sinong babae dahil sa pagkakaroon nito ng pink-color.

Ibig sabihin, virgin na virgin ang mga utong ng tinaguriang Pambasang Bae ng Pilipinas.

Sa lahat ng mga male celebrity na ipinangalandakan ang kanilang kamachohan sa socmed, taob silang lahat sa pinkish-nipple ni Alden.

Anyway, habang sinusulat ito ay umabot na sa mahigit 5k ang mga comment sa kanyang topless post.

Ilan sa mga nabulabog at nag-comment ay sina IC Mendoza, Joh Lapus, Ruby Rodriguez, Kakai Bautista, Bea Binene, Allan K, John Estrada, at marami pang iba.

***

Alex nam-bully ng titser

Pinayuhan ni Alex Gonzaga ang mga 2020 graduate na maghintay lang at darating din ang pagkakataong makakaakyat sila ng entablado para tanggapin ang kanilang diploma.

Ang rason sa hindi pag-akyat sa stage ng mga graduate ngayong taon ay dahil sa COVID-19.

Nagposte si Alex sa Instagram ng throwback photo ng graduation niya, kung saan naka-uniform siya noong high school, inamin niya na muntik na siyang hindi nakaakyat sa stage noon.

Ang pagiging pasaway raw niya ang dahilan kung bakit nanganib na matanggap ni Alex ang kanyang diploma. Sa kuwento niya, lumalabas na hindi mabait na student si Alex.

Lagi raw niyang inaasar ang kanyang Filipino teacher kaya nag-meeting ang mga teacher niya kung dapat bang umakyat siya ng entablado o hindi.

Kasama si Alex sa limang estudyanteng pinagpulungan dahil sa kanilang mga ugali sa school. Napatawad lang daw siya at pinayagang maka-graduate dahil nag-volunteer siya na mag-assist sa mga teacher.

***

Arci Munoz tindera na ng Korean food

Habang ang ibang mga artista ay pagbebenta ng kung ano-anong produkto sa online, iba naman ang negosyong pinasok ni Arci Muñoz.

Isang franchising marketing program ang ginawa niya, kung saan nangangalap siya ng mga taong intresadong bilhin ang kanyang Korean cuisines at food products.

Pinangalanan niyang “Korean Table” ang kanyang food franchised business, na may P16,500 hanggang P27,500 ang halaga.

Sa mga hindi nakakaalam, may lumabas na cookbook si Arci at sa pagkahumaling niya sa mga Korean star, gumawa ng sariling Korean-Asian food recipes ang aktres.

Malaki ang potensyal na lumago ang negosyong ito ni Arci, at mapag-iwanan pa niya sa karera ang mga kapwa artistang mas nauna pa sa kanyang nag-online seller.

***

Awra tinapatan ang kaseksihan ni Nadine

Binigyang ilusyon ng kanyang mga tagahanga si Awra Briguela, na ito ang baklitang puwedeng tumapat sa angas ng kaseksihan ni Nadine Lustre.

Nagposte si Awra ng larawan na naka-apple green one piece bikini, suot ang malaking sombrero.

Todo makeup, naka-contact lens at wig pa si Awra, na animo ay modelo sa isang fashion magazine. Feel ni Awra ang photo shot kahit na nga namumukol ang ‘junjun’ niya sa bukas-hitang posing.

In fairness, humahalimuyak ang alindog ni Awra at may karapatan itong ihanay kay Nadine, kung pagi-emote ang pag-uusapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?