269

Sep 10, 2021 @ 23:06

Aby Maraño support kay Cayetano

Nagpakita ng suporta si Aby Maraño kung saan binahagi niya ang programa ni Cong. Alan Peter Cayetano.

Sa Facebook post ng national team captain, binahagi niya ang programang ‘Sari-Saring Pag-asa’ ni Cayetano, kung saan nagpasalamat pa siya sa dating House Speaker na balak tumakbong Pangulo sa 2022.

Ito’y matapos na mamahagi ng P3,500 na karagdagang kapital para sa 45 na mapipiling sari-sari store owner at karagdagang 30 beneficiary ang makatatanggap ng pampuhunan sa kanilang mga sari-sari store.

“Marami po kayong natutulungang pamilya at sana ay magpatuloy po ang serbisyo ninyo sa mga nangangailangan ng pampuhunan sa mga negosyo nila. Maraming salamat po dito! GOD bless you, dating Speaker Cayetano!” bahagi ng post ni Maraño.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: