17

By

Mga fan na-excite sa MMK ni Rondina

Mapapanood na sa darating na Sabado, Hulyo 20 ang ‘Maalaala Mo Kaya’ o MMK episode tampok ang buhay ni dating University of Santo Tomas Golden Tigress at volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina.

Gagampanan ni Kapamilya actress Kim Chiu ang karakter ni Rondina sa kwento ng kanyang buhay.

Sa Twitter post ni Rondina nitong Linggo, inimbitahan niya ang kanyang mga fan at supporter na tutukan ang MMK sa Channel 2 ng ABS-CBN.

“Sabay sabay po tayong manuod sa July 20 po,” paskil niya sa (@Rondina011).

Na-excite tuloy ang mga fan katulad ni Bianca Cruz (@biancavcruz) base kanyang tweet: “WOOH trailer pa lang naiyak na ko.”

Tweet naman ni aidelyn.delfin (@aidelyn_delfin) “Manonood po ako idol…matagal ko na pong hinihintay na yung story mo mapanood na on MMK…”

Alas-8:30 ng gabi mapapanood sa TV ang programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?