110

Oct 5, 2018 @ 11:39
By

Mga factory worker sa valenzuela, ginagapang ng mga makakaliwa – Gatchalian

Agresibo umanong ginagapang ng mga makakaliwang grupo ang malalaking pabrika sa Valenzuela City.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, dating alkalde ng lungsod, inuudyukan ang mga manggagawa para mag-aklas laban sa kanilang mga kompanya.

Dati na umano ang recruitment ng mga militanteng labor group sa mga pabrika roon pero mas malawak at mas agresibo ang mga ito nitong nagdaang 30 araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?