193

Jun 14, 2019 @ 15:24
By ,

Mga ex-teammate ni Helterbrand nagdiwang sa kanyang pagbabalik

Ilan sa mga dating teammate ni Jayjay Helterbrand sa PBA ang bumati sa kanya, kasabay sa pagbabalik hardcourt nito sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Pumirma sa ilalim ng Imus Bandera si Helterbrand halos dalawang taon matapos magretiro sa professional league, at nag-debut ito sa liga nitong Huwebes kung saan tumapos ito ng 14 points kontra Caloocan.

Binati ni Barangay Ginebra San Miguel point guard LA Tenorio si Helterbrand sa muli nitong paglalaro at sa tingin niya ay ginawa aniya ito para sa mga fans na gusto siyang muling makitang maglaro.

“I wish him well sa career niya sa MPBL and sana injury-free. ‘Yun naman ang gusto natin. Makapaglaro siya nang maayos and makapagpasaya siya ng tao. Sana marami pa siyang ma-inspire na player sa ginawa niya,” wika ni Tenorio.

Para naman kay Gin Kings resident import Justin Brownlee, masaya siya na muling makita ang dating teammate na maglaro ng sports at pinagmamalaki niya ito.

“He loves the game of basketball and this is another opportunity for him to play. He has been missing it so I am happy for him,” sabi ni Brownlee.

Maging si forward Joe Devance ay sobrang proud sa ginawang pagbabalik ni Helterbrand, akala niya ay hindi na niya muling makikitang maglaro si The Fast, pero nagbalik ito at pinatunayan na kaya pa.

“He really loves the game that’s why it’s hard for him to be away. I’m sure he is going to do well in that league. The league is doing well, and making a lot of noise right now. I am happy for him,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?