18
francisco-duque

Mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia, bibisitahin ni Duque

Sharing is caring!

Nakatakdang bisitahin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mga paaralan kung saan nag-aaral ang mga estudyanteng binakunahan ng kontrobersiyal na Dengvaxia.

Sisimulan ni Duque ang paglilibot sa Lunes bilang bahagi ng pinaigting na monitoring efforts ng DOH sa mag-aaral na nabakunahan ng Dengvaxia na posibleng tamaan ng severe dengue.

Unang pupuntahan ni Duque ang isang paaralan sa Marikina gayundin ang iba pang mga paaralan sa National Capital Region (NCR), Regions 3 at 4-A at Cebu.

Samantala, inatasan naman ni Duque ang Sanofi Pasteur na maglaan ng mga ‘test kit’ upang mas mabilis na masuri at matukoy kung ang dugo ng pasyente ay may dengue.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga mambabatas hinggil sa isyu ng dengue vaccine na may masamang epekto umano sa mga hindi nagkaroon ng nasabing sakit.

Pinatawan na ng and Drug Administration ang Sanofi Pasteur ng multang P100,000 at sinuspinde na rin ang certificates of product registration ng Dengvaxia dahil hindi umano nagsumite sa oras ang Sanofi ng pharmacovigilance plan para sa Pilipinas at mga post-approval requirements.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?