17

Jul 19, 2021 @ 14:52
By

Mga estudyante target bakunahan sa Agosto

Target ng Department of Education (DepEd) na mabakunahan ang mga estudyante sa susunod na buwan bago magsimula ang pasukan sa September 13, 2021.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na nag-commit si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na sisikaping mabakunahan ang mga bata bago matapos ang Agosto.

“May commitment si Secretary Galvez at kanyang team na dapat by August dapat substantial ba yung pag-vaccinate ng mga bata at teachers. ‘Yun ang target, na end of August dapat substantial na yung pag-vaccinate sa mga bata pati sa mga teachers,” ani Briones.

Nakasalalay aniya sa magiging kapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa mga estudyante at mga guro kung makita nito at makakasiguro sa kaligtasan ang hakbang.

Sa ngayon ani Secretary Briones ay nasa 300,000 na mga guro na ang nabakunahan sa 15 rehiyon sa pamamagitan ng kani-kanilang mga local government unit.

“Yun ang commitment, by August. Ang kondisyon kasi about the vaccination, it is from the President himself. So he has to be given that level of satisfaction at comfort that the children and the teachers are protected,” dagdag ni Briones.

Habang wala pa aniyang go signal ang Presidente para sa pagbakuna sa mga bata ay inabisuhan na ang mga guro na magpabakuna  na laban sa COVID-19 sa kani-kanilang lugar batay sa prayoridad ng vaccination rollout ng gobyerno. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?