8

Oct 15, 2020 @ 16:40
By

Mga estudyante sadyang nagpapahawa sa COVID – US university

Isang unibersidad ang nagsabing posibleng sinasadya ng mga estudyante na mahawaan ng coronavirus para makapagbenta ng antibody plasma.

Sinabi ng Brigham Young University sa Idaho na iniimbestigahan na nila ang mga report tungkol sa mga estudyanteng sinasadyang magkasakit para magkapera, ayon sa ulat ng CBS News.

Plano nilang suspendihin o di kaya’y i-expel ang mga estudyanteng mapapatunayang sinadya ang pagkakasakit.

“BYU-Idaho is deeply troubled by accounts of individuals who have intentionally exposed themselves or others to COVID-19, with the hope of getting the disease and being paid for plasma that contains COVID-19 antibodies,” pahayag ng eskuwelahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?