28

Jul 19, 2021 @ 21:57

Mga estudyante puntiryang bakunahan sa Agosto

Puntirya ng Department of Education (DepEd) na mabakunahan ang mga estudyante sa susunod na buwan bago magsimula ang pasukan sa September 13, 2021.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na nag-commit si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na sisikaping mabakunahan ang mga bata bago matapos ang Agosto.

“May commitment si Secretary Galvez at kanyang team na dapat by August dapat substantial na ‘yong pag-vaccinate ng mga bata at teachers. ‘Yon ang target, na end of August dapat substantial na ‘yong pag-vaccinate sa mga bata pati sa mga teacher,” ani Briones.

Nakasalalay aniya sa magiging kapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa mga estudyante at mga guro kung makita nito at makakasiguro sa kaligtasan ang hakbang.

Sa ngayon ani Briones ay nasa 300,000 na mga guro na ang nabakunahan sa 15 rehiyon sa pamamagitan ng kani-kanilang local government units. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?