118

Apr 28, 2021 @ 17:34
By

Mga estudyante ng US university napabilib kay Angara

Napahanga ang mga estudyante ng Stanford University sa United States kay Senador Sonny Angara matapos itong maglektyur tungkol sa potensiyal na maging maunlad na bansa ang Pilipinas kung sasamantalahin nito ang angking yaman.

Sa kanyang lektyur sa mga nagsipagtapos na estudyante sa Public Policy Program ng Stanford University, sinabi nitong sa loob ng anim na dekada, nagawa ng Pilipinas na baguhin ang bansa, mula sa pag-export ng mga agricultural product patungo sa mga mas complex na produkto, partikular ang electronic sector.

Ibinida pa ni Angara ang pagtalon ng Pilipinas ng 10 spot sa Economic Complexity Index (ECI), mula sa 45 noong 2008 patungo sa 35 noong 2018.

“The Philippines ranked 35th, which is not bad, considering that the ranking places us 4th in ASEAN behind only Singapore (5th), Thailand (22nd), and Malaysia (26th), and ahead of countries like Canada (39th), India (42nd), and New Zealand (54th). We’re recognized as a regional leader, suggesting that we must have been doing something right,” sabi ni Angara.

Sabi pa ni Angara, noong 2018, ang GDP per capita ng Pilipinas ay $3,102 na tumaas sa 4.8 percent sa loob ng limang taon.

“Because economic complexity describes the productive knowhow or knowledge embedded within a country’s productive structure, it has a strong correlation with the income per capita that the country is able to generate. Complexity is not only an outcome of prosperity—it is in fact a driver of it,” pahayag ni nito.

Bagama’t nagawang umangat ng Pilipinas pagdating sa economic complexity, sinabi ni Angara na matagal pa bago nito maabot ang antas ng productivity at growth na magreresulta sa mas magandang oportunidad at kasaganaan ng kanyang mamamayan.

Sabi pa ni Angara, isa sa pinakamalaking hamon ng bansa ay kung paano nito mapapanatili ang kanyang skilled workforce pagtungo sa ibang bansa.

“In the case of the Philippines, our domestic capability is bleeding out because our biggest export is in fact our people. It is said that there are at least 10 million Filipinos working overseas primarily because job opportunities at home are scarce or not lucrative enough to earn a decent living,” sabi ni Angara.

“We envisioned that through this initiative, the country may eventually produce and export more complex, high-value products and services; encourage more investment; and create more job opportunities at home for Filipinos so they don’t have to leave anymore for greener pastures abroad,” saad pa nito.

Dindo Matining

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?